Sabi nga nila kung ayaw, maraming dahilan.
Kung tinatamad, mas maraming paraan.
Teka mali yata yun. Mga procrastination tactics ko talaga, I surprise even myself.
Anyway, pag maulan nga naman at may makakasalubong kang pogi sa daan. Haha. Joke lang. Sana lang may nakasalubong talaga akong pogi.
***
Sa Aawitan
Ilang beses bang bumagsak ang ulan nitong huling mga gabi
na nahuli ko ang aking sarili na nilalakad
ang daan mo pauwing bahay sa aking pagkakatanda?
At gaano ba katagal bago mawala o maging mali ang mga salita
sa kantang narinig natin sa inayos na lumang radyo?
Maiiwasan pa ba ito, nahihinto ako sa gitna
paakyat ng matatarik na kalsada dahil darating ang sandali
ng minsang nagtagpo ang mga labi, mabilis na saglit
at agad mawawala, mapapatanong bigla sa sarili
dahil inakalang ligtas ang panlasa sa guni-guni.
Kung naroon pa ang poste ng ilaw sa kalye bago ang huli
mong liko pa-inyo na pupundi-pundi sa ating pagdaan
at nasabi ko noon nabigyan ko ito ng kahulugan,
pwede ba akong maging hindi makakatotohanan at gaano,
maari bang nananatili pa ang awit para sa iyo.
___
Panu kaya kung araw-araw umuulang. Hehehe.
ReplyDeleteeasy, will, edi babaha.
ReplyDeleteahaha. mamilosopo daw ba