Sunday, July 3, 2011

Having fishbol with you

(o kung pano balahuraing-salin ang "Having a Coke with You" ni Frank O'Hara, at oo ito yung ginamit sa chick-flick na Beastly, pero alam ko na sya bago nun ah)


Having fishbol with you


mas masaya pa yun kaysa ang pumunta sa Tagaytay, Pagudpod, Antipolo, Laguna, Cebu
o ang hassle na pagsakay sa LRT1 mula Taft hanggang Monumento tuwing rush hour
marahil dahil sa uniform mong black shirt na mukha kang mas payat at seryoso
marahil dahil sa gusto kita, marahil dahil sa hilig mong humithit ng lights
marahil dahil sa mga matitingkad na bulaklak ng fire-tree sa campus
marahil dahil sa lihim na kinukubli ng ating mga ngiti sa harap ng ibang tao at mga estatuwa
di ako makapaniwala na tuwing magkasama tayo ay mayroon pang kasing payapa
kasing taimtim kasing tiyak gaya ng isang 10-talampakang Buddha samantalang sa harap nito
sa init at sikat ng alas tres ng hapon ng Maynila ay dumuduyan tayo
pabalik sa isa’t isa gaya ng isang punong sa sarili nitong pagmamalas ay humihinga


at lahat ng mga larawan tila wala silang mukha, pintura lamang
na bigla kang magtataka kung bakit pa ba sila ipininta


Tumingin ako
sa’yo at nais ko lang ang tingnan ka, kaysa ang lahat ng larawan at litrato sa mundo
except siguro ang Bench billboard ng Philippine Rugby team, yung nasa Guadalupe
at buti ‘di ka sumasakay madalas ng MRT kaya maituturo ko sa’yo ang tanging bahagi ng Pasig na kilala ko dahil naging parte ko na rin ito
at dahil sa kakatuwa mong pagkabulol nang kaunti hindi ko na iintidihin kung bakit ako tatawa
gaya ng kapag nasa bahay ako hindi ko naiisip panoorin ang Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda
o tuwing gabi naaalala ang lupit at pagsambulat ng liwanag sa Nighthawks ni Hopper
ano ba ang silbi ng lahat ng pagphophotoshop at pagpapa-vintage ng pictures sa tumblr
gayong ‘di naman nila nagawang piliin ang tamang taong tatayo sa lilim ng puno sa takipsilim
o maging ang awit sa bangketang hindi piniling maigi ng binatang makata gaya ng kung kanino
ang boses ng tula, sa bulag ba o bingi


mukhang nadaya sila at napagkaitan ng bagay na malaki ang pagka-astig at kamangha-mangha
na hindi masasayang at mawawala sa akin ngayon, dahilan kaya naman heto’t sinasabi ko sa’yo.


___
para kay Alex Pettyfer at sa kanyang abs. Bow

1 comment: