Showing posts with label Ramblings. Show all posts
Showing posts with label Ramblings. Show all posts

Sunday, October 2, 2011

Pagsasanay sa Retorika | Lumang Tugtugin


Aporia
Ano bang nakita
ng puso kong ito sa 'yo?
Kapag ika'y kasama,
anong ligaya ko, sinta.

Bakit labis kitang mahal?
Yakap mo'y di ko malimutan.
Bakit labis kitang mahal?
Sumpa man, iniibig kita.

Pagwawangis
Isang ngiti mo lang
at ako'y napapaamo.

Pagtawag
Heto na ang pinakahihintay natin,
heto na tayo magkayap sa dilim.
O, kay sarap ng mga nakaw na sandali
habang tayo'y magkayap sa dilim.

Pagtatao
Heto na naman naririnig,
kumakaba-kaba itong dibdib,
lagi nalang sinasabi:
pwede ka bang makatabi?

Pagmamalabis
Oh babe isang ngiti mo lang 
pawi na ang aking uhaw.
Huwag ka lamang tatawa
baka ako'y malunod na.

Pagtawag
O kay ganda,
O kay gandang mag-alay sa 'yo.

Pagtutulad
Dahil kung ikaw ang yakap ko
parang yakap ko na rin ang langit.

Yung simple lang
Walang iba pang sasarap
sa pagtitinginan natin.
Sana ay di na magwakas
itong awit ng pag-ibig.

___

Sunday, June 19, 2011

Sunday Morning, Rain is falling... aka Son, I saw you've got rubber

So nag-aalmusal ako kanina, tapos biglang sabi ng Mom ko:
“Kahapon pala nag-aano ako tapos nakita ko sa bag mo, nakita ko may condoms. Gumagamit ka pala ng condoms? (hint of a subtly forbidding/inquiring tone)”

Ako naman pasimpleng “Oo...” ang sagot with matching tono tulad sa “Duh, obvious ba...” Hindi na ko nakapag-isip nang mabilisan, sayang tuloy ang chance na humirit ala Vice Ganda (Ay hindi Ma, hindi ko ginagamit, nilagay ko lang yan para naman may makita kang kakaiba for a change dahil alam kong ina-"ano" mo yung bag ko. Tapos lalabas si Ashton Kutcher at sisigaw ng You just got Punkd! )

Pero ganito yung lalabas na ashton kutcher haha.


Patay malisya lang acting ko pero syempre kinabahan ako, syempre hindi naman dun natatapos ang ganitong usapan. You know moms, impossible yun. So kambyo ang ermats,
“Hindi naman masama gumamit ng condoms, mabuti nga yun....
“Pero kasi hindi ka naman nag-uuwi ng girlfriend dito, baka makabuntis ka. Yung anak nga di ganyan blah blah. Kung kailangan mo ng condoms, marami kami (nurse kasi mom ko).”

Pak! Narinig ko si Buddha at lahat ng Bodhisattvas na nagchorus sa pagtatawanan at pagkanta parang Glee, oo chong, narinig ko ang halakhakan nila kahit hindi ako buddhist, ganun pala ang pakiramdam. Parang scripted ang mga pangyayari, parang play lang at sa nagsulat ng plot na ito, taena, ikaw na! Ikaw na ang witty.

Kaya naman pala kagabi panay ang text ni ermats sakin dahil gabi na daw at pauwi na daw ba ako. Aha...
Tama naman ang (unspoken) hula niya, nasa date nga ako.
So apparently:

1. Either my mom was faking it and was waiting for me to say it, or wala talaga siyang idea na bading ako. Kung sinabi ko na lang kayang wag siya mag-alala na hindi naman ako makakabuntis dahil hindi naman babae ang tipo ko? Tambling siguro sya nun. Ewan ko, para lang siguro to get it over and done with. But that’s a bit cruel, I know. Does the shock of finally hearing it change though? Can you ease that? I have no idea.

2. Pero ito ang bongga talaga: nag-offer pa siya na bigyan ako ng stash ng condoms, which means, she’s totally ok with it. Early twenties naman na ako haller, anyway. Tanungin ko kaya siya kung meron silang extra thin for maximum sensation or yung ribbed for extra pleasure?

Now I have a simple idea for a coming-out scheme. Instead of putting a burden on myself to find the right time, I’ll pass it to my mom. *Evil laftir* Iwan ko na lang ang cellphone ko at hayaan kong mabasa niya ang “suspicious” text messages. Then, either it’ll just be an open secret of the family or she asks the question when she’s finally ready to hear the answer. Or should I feel responsible and finally man up?

Friday, December 10, 2010

Di Sinasadya

Pag-uwi ng kaibigan/housemate ko (si N.) kagabi galing sa party niya, napakwento bigla. Kasi nagtapat na daw personally yung kaibigan niya (si J.). Actually, bago nito, nagselos kasi si J nang biglang malamang may nililigawan na babae ulit ang kaibigan kong si N, months after ng breakup with a long-time girlfriend . Nagtampo si J at hindi kinibo si N for some time, nagparinig pa nga ata sa fb.

Gwapo talaga si N, lapitin talaga yun ng mga tulad natin sobra (pero kaibigan lang talaga tingin ko sa kanya). Eto namang si J, siguro dahil parehas sila ng interes at magkatrabaho pa sila, hindi naiwasang mahulog kay sa kaibigan kong si N. Hirap nun, feelings ay feelings, hindi mo sinasadya, pero naiisip ko parang kasalanan din ni N kasi alam naman yang straight si N, bakit binibigyan niya ang sarili ng false hope. Tapos inaaya pa ni J ang kaibigan kong si N na mag-Cambodia nang silang dalawa lang. Tapos kagabi sinabi din niya pagdating daw ng panahon, baka si N naman ang maghanap. Parang may mali yata dun, parang self-delusion.

Sometimes I ask if homosexual desire is inevitably bound to situations like these. Ang ideal na relationship ba talaga natin ay with a straight guy? Inaapproximate lang ba natin itong ideal na 'to by entering into a relationship with another gay guy? 

Nanonood kasi ako ng "The History Boys" na may homosexual theme (muntik pa akong maluha sa isang scene) nang datnan ako ni N kagabi. Di alam ni N na gay ako, hindi ko pa nga rin alam kung paano ko ba sasabihin sa set of friends namin.

Paano natapos ang usapan namin? Napablurt-out sya bigla ng, bakit kasi ang daming bading sa literature?
Sa sobrang talab ata sakin (ang lungkot kasi nung movie na yun, ang ganda-ganda rin), naFreudian-slip ako nang di oras. Nasagot ko sya bigla ng hindi nag-iisip, SORRY NAMAN! In the most defensive tone that even I surprised myself.

Alam na.